Consular Services
  • Manila-tagalog
  •  
  •  
  •  
  •  
    A.  Address ng Embahada
     
     
     
    10th and 11th Floors, Avecshares Center, 1132 University Parkway
     
    Bonifacio Global City, Taguig City, The Philippines
     
    B.  Oras para tumanggap ng bisita para sa serbisyong consular
     
    (1).   Para sa mga Pilipino
     
    9:00 AM to 1:00 PM - Mondays to Fridays
     
                 
     
    (2).   Para sa mga Israeli
     
    9:00 AM to 12:00 PM - Mondays to Fridays
     
     
    TANDAAN:
     
    Ang mga Pilipinong nangangailangan ng serbisyo mula sa Consular Section ay dapat na mag-email muna sa Embassy sa cao-assistant@manila.mfa.gov.il o sa info@manila.mfa.gov.il upang makakuha ng iskedyul bago ang pagpunta.
     
    Ang mga Israeli ay maaaring pumunta sa Embahada nang walang naunang iskedyul. Maaari silang pumunta mula 9:00 ng umaga - 12:00 ng tanghali.
     
    C. Oras ng pagtanggap ng tawag para sa nangangailan ng serbisyong consular
     
    Ang Seksyon ng Consular ay makasasagot sa inyong mga katanungan mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon Lunes hanggang Huwebes at 12:00 - 2:00 ng hapon kapag Biyernes. Tatanggapin ang inyong tawag anumang oras na may pasok kung ito ay emergency.
     
    Maaaring makipag-ugnayan sa Consular Section sa telepono (+632) 8883-9500. Kung hindi makontak ang numero, maaari mong i-email ang iyong tanong sa cao-assistant@manila.mfa.gov.il o sa info@manila.mfa.gov.il. Sasagutin ang inyong tanong sa lalong madaling panahon.
     
    D. Jurisdiction
     
    Ang Jurisdiction ay nasa loob ng Republika ng Pilipinas
     
    E. Mga tagubilin para sa seguridad ng mga taong nais pumunta sa Embahada upang makakuha ng serbisyong consular.
     
    1. Dalhin ang iyong pasaporte o valid na ID na inisyu ng gobyerno na may larawan.
     
    2. Ang bawat bisita ay kinakailangan na sumailalim sa security check.
     
    3. Para sa mga layunin ng seguridad, walang mga personal na bagay ang papayagan sa loob ng Embahada, kabilang ang mga handbag, mobile phone at elektronikong aparato.
     
    4. Huwag magdala ng pagkain at / o mga inuming nasa lalagyan.
     
    5. Ang mga direktiba ng seguridad ng Embahada ay para sa mga tao na papasok sa seksyon ng Consular. Ang mga tagubilin ng security staff ay dapat sundin sa lahat ng oras.
     
    F. Listahan nga mga kwalipikadong tagasalin na nagtatrabaho sa Embahada
     
    Sa ngayon wala pang kwalipikadong tagasalin na nagtatrabaho sa Embahada.

     

     

    G. Listahan nga mga abogadong makakatulong sa mga kasong criminal
     
    Maaaring gamitin ang link na ito para sa isang listahan ng lahat ng mga abogado dito sa Pilipinas - http://www.ibp.ph/
     
    H. Pagberipika ng mga pampublikong dokumento
     
    Pagpapatunay sa pamamagitan ng Apostille.
     
    Noong 1978, nilagdaan at pinagtibay ng Israel ang Hague Convention na nag-aalis ng pangangailangan ng ng legalisasyon para sa mga Foreign Public Documents - 1961 (pagkatapos nito: ang Hague Convention). Ang layunin ng Convention na ito ay upang paikliin ang mga proseso na kinakailangan para sa isang partikular na bansa upang makilala ang mga opisyal na dokumento na inilabas ng ibang bansa, sa pamamagitan ng sertipikasyon ng Apostille.
     
    Ang mga pampublikong dokumento at sertipiko na inisyu sa isa sa mga bansa na pumirma sa nabanggit na Convention, at may selyong Apostille, ay maaari nang ipakita sa Israel, nang walang pangangailangan para sa karagdagang pag-verify / sertipikasyon galing sa kinatawan ng Embahada ng Israel.
     
    Bilang karagdagan, para sa mga bansa na pumirma sa Hague Convention, Hindi na kinakailangan ng karagdagang pagpapatunay ng Consul ng bansa kung saan ang dokumento ay ipapakita, kung ito ay naselyohan ng Apostille sa Israel.
     
    Kaugnay sa listahan ng mga bansa na pumirma sa Convention, at mga detalye tungkol sa awtoridad na may kakayahang magbigay ng sertipikasyon ng apostille sa bawat bansa, pati na rin ang karagdagang impormasyon, i-click ang link na ito:
     
     
    Ang Pilipinas ay pumirma na din sa 1961 Apostille Convention sa Hague, kaya ang mga dokumento inisyu sa Pilipinas ay maaari ng mapatunayan sa pamamagitan ng Apostille.
     
    Pamamaraan para ipa-apostille ang mga dokumentong inisyu sa Pilipinas:
     
    1.Kung ang dokumento ay sertipiko ng kapanganakan, sertipiko ng kasal, sertipiko ng wala pang kasal, o pagiging walang asawa o sertipiko ng pagkamatay, dapat na makuha ang isang sertipikadong kopya mula sa opisina ng Philippine Statistics Authority (dating NSO). Ang kopya ng sertipiko ay ipiprint sa dilaw na papel. Kung ang kopya mula sa PSA ay hindi mabasa, kailangan ang isang kopya mula sa lokal na rehistrong sibil kung saan unang nirehistro ang dokumento. 
     
    Kung ang dokumento ay rekord ng Korte / Desisyon o isang Pagpapahayag ng Notarial, dapat na makuha ang isang sertipikadong kopya mula sa Korte na naglabas ng nasabing rekord o desisyon. Pagkatapos, ang pirma ng Hukom o Notary ay dapat mapatunayan ng Executive Judge ng lugar kung saan ginawa ang notaryo.
     
    Kung ito ay isang sertipiko galing sa Pulisya na nagsasaad ng walang record na criminal, ang isang sertipiko / clearance ay dapat makuha mula sa lokal na sangay ng Philippine National Police kung saan nakatira ang tao.
     
    Kung ito ay isang clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kopya ng clearance ay dapat makuha mula sa NBI Office na matatagpuan sa UN Avenue (cor. Taft Avenue);
     
     2. Ang dokumento / s ay dapat isumite sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa Apostille. Matatagpuan ang Authentication Division ng DFA sa:
     
    Office of Consular Affairs
     
    Bradco Ave cor Macapagal Boulevard
     
    Aseana Business Park
     
    Paranaque City
     
     
    3. Ang mga na-Apostille ng mga dokumento ng DFA ay maaari ng maipadala nang direkta sa Israel
     
    I. Para sa mga katanungan upang mapabuti ang serbisyo para sa mga mamamayan
     
    Maaaring ipadala ang email sa sumusunod na address:
     
     
    Para sa feedback tungkol sa kalidad ng serbisyo na ibinigay sa mga mamamayan ng Embahada, gamitin ang link na ito:
     
     
    J. Ang mga pangunahing batas ng Estado ng Israel kung saan nakabatay ang consular na trabaho sa ibang bansa, ay ang mga sumusunod:
     
    The Law of Return, 5710 - 1950 – kasama ang lahat ng mga pagbabago dito sa mga lumipas na taon
     
    The Entry into Israel Law, 5712 - 1952 - kasama ang lahat ng mga pagbabago dito sa mga lumipas na taon
     
    The Law of Citizenship, 5712 - 1952 - kasama ang lahat ng mga pagbabago dito sa mga lumipas na taon
     
    The Passports Law, 5712 - 1952 - kasama ang lahat ng mga pagbabago dito sa mga lumipas na taon
     
    The Names Law, 5716 - 1956 - kasama ang lahat ng mga pagbabago dito sa mga lumipas na taon
     
    Population Registration Law, 5725 - 1965 - kasama ang lahat ng mga pagbabago dito sa mga lumipas na taon
     
    The Notaries Law 5736 - 1976 - kasama ang lahat ng mga pagbabago dito sa mga lumipas na taon
     
    The Defense Service Law (Consolidated Version), 5747 - 1986 kasama ang awtoridad na ipatupad ito sa ibang bansa – pati ang lahat ng mga pagbabago sa mga nakaraang taon.
     
    Crime Register and Rehabilitation of Offenders Law, 5741 - 1981 - kasama ang lahat ng mga pagbabago dito sa mga lumipas na taon
     

     
    K. detalye ng Jewish Agency Aliya emissary
     
    Maaring makipag ugnayan sa Jewish Emissary sa pamamagitan ng link na ito:
     
     

     

    ​LPatakaran ng pagpasok sa Israel sa panahon ng Coronavirus

     https://www.gov.il/en/departments/news/border_closing_coronavirus_14062020